
ito ay storya ng dalawang studyante na nag ngangalang tuti at si wekwek..ang pang yayari ay naganap habang sila ay mag kaklase nuong silay mga kolehiyo. wala sa kanila ang umaasa na iibigin nila ang isat isa sa kabila ng hindi nila tipo ang isat isa at hindi ganuong nagbibigayan ng pansin. si tuti ay kilala sa pagiging badboy o taong hindi mababakasan ng pagkaseryoso sa buhay habang si wekwek naman ay galing sa isang modestong pamilya, tahimik, masungit at my natatanging ganda. sila ay ordinaryong magkaklase lamang nuon,at ayaw nila sa isat isa lalo na si wekwek. maging sa pinaka masamang panaginip nila ay di nila naiisip na magkakaron sila ng puwang sa puso ng bawat isa. si wekwek ay galing lamang sa isang relasyon ng mga panahong yon at napakapait pa ng kanyang panlasa dahil sa heartache. at si tuti nman ay walang panahon sa pakikipagrelasyon at ngahihintay lamang. lumipas ang isang taon ng kanilang pagiging magkaklase at sa sumunod na taon, nagkaroon ng pagkakataon na makapag usap ang dalawa, at sa saglit na yon nakita ni tuti na wonderful pala si wekwek, hindi dahil sa mga napagusapan nila kundi dahil sa damdamin at sinseridad na nakita ni tuti kay wek at sa ganda nito habang tinitingnan ito magsalita. may kung anong mahika bang matatawag ang nagtulak kay tuti para sa saglit ay mahalin nito si wek. nuong kinagabihan ay inaalam nito ang telepono ni wekwek at tinext nya ito nagng walang paligoy ligoy ay agad nitong ipinag tapat na mahal nya si wekwek, tinawanan lamang sya nito at hindi nagpakita ng pagka interesado. patuloy na nagtxt si tuti hanggang dumami ang araw, sinabi ni wekwek sa kanya na infatuation lamang iyon at huwag seryosohin. sa paulit ulit na pangyayare eh nirereject parin ni wek si tuti. dahil dumadaan pa ito sa sakit. tumigil at naging tahimik si tuti, duon napansin ang kawalan..si wek ay mayat maya ngtitingin sa kanyang cellphone na para bang my iniintay na hindi naman dumadating:). sa kanilang silid aralan ay walang ingay na maririning sa parehong bibig. pareho lamang silang naging magnanakaw ng tingin sa isat isa. sinong mag aakala na ang dalawang hindi nag papansinan ngayon ay parehong nasasaktan sa hindi masabing dahilan. duon nila nasabing may nag uugnay na sa kanila. hanggang hindi na nakapag pigil si tuti sa bugso at muli nitong itinxt si wekwek duon ay wala na silang pinalampas pa, kahit may pagdududa parin si wekwek sa kakayahan ni tuti e hindi ito nag ngiming sumubok. nag karoon sila ng di masabing relasyon dahil wla silang pormal na pag uusap, nakasandal lamang sila sa knilang nararamdman. dahil nga maganda si wekwek ay di maiiwasang madameng nag papabango dito kung kayat si tuti ay nagseselos at gustong barilin isa isa yung mga bubuyog. pero hindi naman binigo ni wekwek si tuti sa pag panatag sa luob nito na sya at sya lang ang laman ng puso nito at ganoon din naman si tuti. at nang naging pormal na sila, dumating ang madameng pagsubok sa kanila na halos magpabitaw sa dalawa ngunit patuloy parin silang tumatakbo pabalik sa isat isa. hindi naman ganoon ang inasahan nila sa isat isa pero duon nila nasabi na ipinag papasalamat nila na natagpuan nila ang isat isa. napakasimple pero rock ni wekwek at napaka madrama naman ni tuti. nangako sila na sila na ang magsasama at aalagaan ang isat isa, papanatilihin ang respeto at patuloy na iaapreciate ang isat isa..si wekwek ay animung dragon kung magalit kulang na lamang ay sungkitin ni tuti ang bituin sa langit..inlab na inlab si wekwek kay tuti:) at yon ang nagpapapogi kay tuti..pangako nila na gagwin nilang insprasyon ang isat isa para makatapos. hiniling ni tuti kay wekwek na pagnagtapos sila at nag katrabaho ay dapat e mas mayaman dapat si tuti para sa kanilang magiging pamilya pag dating ng araw. at duon nasabi ng badboy na si tuti na hindi masyado maganda ang madmeng hinihiling sa buhay, ang hiling na lang nya e makapagtapos ng pagaaral ksma si wekwek and the rest will follow:) <3
to be continued kapag nabili ko na ung sunod na part nito..pero sigurado maganda din ang nilalaman non. rock n rol!
LORENZO FARAON
PD2